Friday, September 3, 2010

Pagbabago

Bunso ako sa sa apat na magkakapatid. Nabuhay ako na wala ang isa kong kapatid, dahil sa kahirapan ng buhay namin noon, pina-adopt ng aking nanay ang aking kapatid. Dahil wala syang pangtustos sa mga pangangailan nito at kasabay pa noon ay nagtatrabaho sya sa isang factory sa Bataan, kaya pati ang panganay at pangalawang kong kapatid ay pina-alagaan nya nalang sa aking tita. Nakakalungkot mang isipin, magkahiwalay ang aking mga magulang nung panahon na iyon. Sinubukang lapitan ng aking tita ang aking tatay upang humingi ng pangtustos sa bata pero ang sabi nya sa kapatid kong pina-adopt ay hindi nya daw anak iyon, dahilan nya ay hindi daw sila magkasama nung panahoon na iyon. Lungkot na lungkot ang nanay ko, dahil alam nyang anak nya iyon.

Noong ako ay tatlong-taong gulang ay tinawagan kami ng nag-adopt sa kapatid ko all the way to hawaii, magbabakasyon daw sila sa Pangasinan na kung saan kami naninirahan. Ang aking kapatid ay labing tatlong taon nung nakita namin, 1st year highschool sya. Masayang masaya kami nung nakita namin siya. Masaya kaming naglaro at natatandaan ko pa nun, niregaluhan nya ako ng laruang elepante para daw hindi ko sya makalimutan. Malungkot naman kami nung uuwi na sila ng Hawaii para dun na manirahan. Lumipas ang mga taon, simula noon ay hindi na sila umuwi dito sa pilipinas kaya nag baka sakali kami na makikita namin sya sa internet at sa pamamagitan ng "Friendster" pero nabigo kami.

January 2, 2009 namatay ang aking tatay sa sakit na Colon Cancer. Wala kaming nagawa para sa kanya, dahil nung panahon na nanghihina na sya hinahanap nya yung kapatid namin na nasa hawaii. Halos araw-araw ay umiiyak sya dahil sa kagustuhang makita ang aming kapatid na nasa hawaii. Gusto nya daw humingi ng tawad dahil pinagkaila nya na anak nya si kuya. Walang kaalam-alam ang kapatid ko na patay na ang tatay namin. Ang pangalawa ko namang kapatid ay nagtatrabaho sa saudi, Dahil sa kahigpitan ng kumpanya ay nahuli sya sa pagdating upang makita ang aming tatay. Umuwi sya ng pilipinas na hindi nya nakita ang tatay namin kahit konting minuto, pagtapos ilibing ng aking tatay ay saka naman dumating ang aking kapatid na nasa saudi. Alam ko masakit yun para sa kanya, gabi-gabi ay nakikita ko syang umiiyak kapag tulog na ang lahat sa bahay namin. Parang winawasak ang puso ko sa bawat pag-iyak nya. Kaya yun ang nag-motivate sa pamilya namin na hanapin namin ang kapatid namin na nasa Hawaii.

March 2010 sinubukan kong maghanap ulit sa internet sa pamamagitan ng "Facebook" may nakita akong Harold Ong (Ong, apelyido ng nag-adopt sa kapatid ko), kasa-kasama ko ang aking nanay sa paghahanap at nung may nakita kami, isang tingin palang ni nanay ay nasabi nya na sya na nga ang kapatid namin, dahil may naramdaman daw sya na lukso ng dugo. Sinubukan ko siyang i-add at tamang tama ay naka online sya at kami ay nag chat. Iba na ang kapatid ko ngayon English na ang salita dulot ng PAGBABAGO. Nag-usap kami at sinabi ko ang tungkol sa kapatid ko, at nag match ang mga sinasabi ko at sinasabi nya. Simula sa Probinsya na san sya lumaki, ang kanyang birthdate, at kung sino ang mga taong nasa paligid nya. Sinabi nya sakin ay "it's weird talking to people who knows everything about you". Yun na nga ang simula ng pagkilala namin sa isa't isa. Pinag-usapan namin yung una kaming magkita sa Pangasinan dahil nga sila ay nagbakasyon galing ng Hawaii. Kinuwento nya sakin lahat, simula sa pagbibigay nya sakin ng laruang elepante at sa buhok ko dati na may buntot. Confirmed na, na sya na nga ang kapatid namin. Simula noon, madalas na kaming nag-uusap thru cellphone and facebook. Nung kaarawan ng aking nanay ay nagpadala sya ng $200 para daw icelebrate ang birthday nya. Nagpunta kami agad sa GOLDILOCKS at doon kami ay bumili ng Cake, paborito talaga namin ang goldilocks cake, dahil sa mahigit na 44 years na serbisyo nila sa pamilyang Pilipino, hindi nila binigo ang panlasa ng bawat isa sa atin.
























(At GOLDILOCKS Store)










































(Blowing up a candle of a GOLDILOCKS Cake)

Kasabay ng PAGBABAGO ng buhay, ang GOLDILOCKS nagbabago rin hindi sa LASA pero sa pag eenhance ng serbisyo nila para mapaglingkuran ng bawat pamilyang Pilipino.



No comments:

Post a Comment